Gurong nang-'harass,' arestado sa hotel na pinagdalhan sa estudyante

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 07:08 PM | Updated as of Apr 17 2018 07:57 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naaresto sa entrapment operation sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Lunes ang isang gurong inakusahan ng sexual harassment ng babaeng dati niyang estudyante. 

Pinasok ng pulisya ang kuwarto ng isang hotel kung saan nahuli ang suspek na si Darius Jason Agustin. 

Noong mga sandaling iyon ay kasama ng suspek ang 18 anyos na babaeng dating estudyante.

Naunang dumulog ang dalaga sa pulisya para madakip ang lalaki.

Taong 2016 pa umano nagsimula ang harassment sa babae, na noo'y menor de edad.

Ayon sa babae, madalas siyang hipuan at dalhin ng suspek sa hotel para pagsamantalahan.

Tinatakot din umano ng suspek ang estudyante para hindi ito magsumbong.

"'Pag di raw ako pumayag ikakalat niya picture namin. Ta's huwag ako magsusumbong," kuwento ng babae.

Itinanggi naman ni Agustin ang mga paratang laban sa kaniya.

"Nagkaroon kami ng affair pero 'yong harassment, na hina-harass ko siya, di po talaga," sabi ni Agustin.

Sinampahan ang suspek ng kasong sexual harassment, acts of lasciviousness, at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

-- Ulat nina Doland Castro at Oman BaƱez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.