3 magsasaka, sugatan sa pagsabog sa North Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 06:30 AM

PIKIT, North Cotabato - Sugatan ang 3 magsasaka sa pagsabog sa Pikit, North Cotabato nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Leonardo Milano Baclayon, Jerry Lopez Cordova, at Ariel Makilang Abrenica.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang 3 lalaki sa harapan ng isang tindahan sa Barangay Kulambog.

Dumaan umano ang mga salarin na nakamotorsiklo at hinagisan ang mga biktima ng granada.

Nagtamo ng sugat sa kanilang katawan ang mga biktima at agad dinala sa Aleosan District Hospital.

Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa pagpapasabog. - ulat ni Arianne Apatan at Noel Elvena, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.