Sanggol, isinilang sa tapat ng fire station sa Cagayan de Oro

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Apr 11 2017 09:51 PM

Isinilang ang isang sanggol na lalaki sa harap ng Cogon Fire Station sa Cagayan de Oro, Lunes ng gabi. 

Kwento ng bumberong si Renato Chavez, nag-aabang ng masasakyan ang babaeng buntis nang abutin ito ng panganganak sa tapat ng kanilang fire station. 

 

Agad na tinawag ng mga bumbero ang mga nurse mula sa kanilang Emergency Medical Services para umasiste sa panganganak ng babae.

Pasado 6 p.m. nang mailuwal ang sanggol.

Maayos ang kalagayan ng mag-ina na dinala sa Northern Mindanao Medical Center.