1 sugatan sa banggaan ng truck at bus sa Zambales

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2017 05:40 PM

Sugatan ang isang driver matapos bumangga ang minamanehong truck sa isang bus sa Brgy. Sta. Rita, Cabangan, Zambales, Martes ng tanghali. 

Ayon kay PO2 Enrico Manaligod ng Cabangan Municipal Police Station, nawalan ng preno ang Isuzu ELF truck na may plate number RAA 181 kaya’t bumangga sa isang bus na biyaheng Olongapo.

Makikita sa mga kuhang larawan ni Bayan Patroller Macy Tantiado ang pagresponde ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng aksidente. 

Kuha ni Bayan Patroller Macy Tantiado
Kuha ni Bayan Patroller Macy Tantiado
Kuha ni Bayan Patroller Macy Tantiado
Kuha ni Bayan Patroller Macy Tantiado
Kuha ni Bayan Patroller Macy Tantiado

Agad na dinala ang sugatang driver na nakilalang si Charlie Tuazon sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales habang hinihintay pa ring maalis sa kalye ang nadisgrasyang truck, pasado alas-tres ng hapon.