Patay na balyena, natagpuan sa Aurora

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2017 01:23 PM

Natagpuan ang isang patay na baby Humpback whale sa tabing-dagat ng Brgy. Lipit sa Dipaculao, Aurora, Martes ng gabi.

Tinatayang nasa anim na metro rin ang haba nito.

Makikita sa mga kuhang larawan ni Bayan Patroller Justin Carl Reyes ang balyena sa dalampasigan.

Kuha ni Bayan Patroller Justin Carl Reyes
Kuha ni Bayan Patroller Justin Carl Reyes
Kuha ni Bayan Patroller Justin Carl Reyes

Sa panayam ng Bayan Mo Ipatrol Mo kay Annabelle Lapitan, Agricultural Technologist ng Municipal Agriculture Office ng Dipaculao, napag-alamang putol ang buntot at nabubulok na ang natagpuang balyena. 

Ngayong umaga ng Marso 29, nailibing na rin ang patay na balyena sa nasabing lugar.