Pilipinas, nag-abiso nang ‘kakalas’ sa ICC

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 09:16 PM

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles ang pagbawi ng Pilipinas sa ratipikasyon ng "Rome Statute" na nagtatag naman ng International Criminal Court (ICC).

“I therefore declare and forthwith give notice, as president of the republic of the Philippines, that the Philippines is withdrawing its ratification of the Rome statute effective immediately,” ayon sa pahayag ni Duterte.

Aniya, halatang-halata ang "bias" ng ICC at nagagamit umano ito sa politico.

“It is apparent that the ICC is being utilized as a political tool against the Philippines,” ani Duterte.

Giit ng pangulo, hindi nakatupad ang ICC sa mga panuntunan kung bakit lumagda ang Pilipinas sa Rome Statute.
    
Sa isang probisyon ng nasabing treaty, bibilang pa dapat ng isang taon bago maproseso nang tuluyan ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC. 

Pero sa opinyon ng pamahalaan, hindi sakop ang bansa nito dahil una pa lang ay wala nang bisa ang kasunduan gawa nang hindi naman umano naisapubliko ito sa Official Gazette o sa anumang pahayagan.

“There being no publication of the said law, it stands to reason that the Rome Statute cannot be enforceable in the Philippines hence the International Criminal Court has not acquired nor can it acquire jurisdiction over my person,” aniya.

Ginawa ang pagkalas sa gitna ng paunang imbestigasyon na isinasagawa ng ICC kaugnay sa kasong "crimes against humanity" laban kay Duterte dahil sa kaniyang "war on drugs."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.