Lasing nag-amok, hinabol ng itak ang mga kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 08:46 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang lalaki ang nahuli matapos mag-amok sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City Martes ng gabi.

Dalawang itak na pang-tibag ng kahoy ang nakuha sa suspek nang mahuli ng mga taga-barangay sa Federal Street, Bagong Silangan.

Nagwawala umano ito at hinahabol ng taga ang lahat ng makita. 

Mas kalmado na ito nang makausap dahil nahimasmasan na raw sa sobrang kalasingan. 

“Naabutan po namin siya, may hawak na itak, nagwawala po, meron pa po sa likod pala siyang kargada,” ani Venerando Ladisla ng nasabing barangay.

Paliwanag naman ng suspek, may bumato umano sa kaniya at hinanap niya ito.

Karpintero ang 32 taong gulang na suspek..

Posibleng maharap sa kasong illegal possession of deadly weapons at alarm and scandal ang suspek. 
    
--Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.