Barangay captain sugatan sa pamamaril sa Batangas

Arnell Ozaeta, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 04:16 PM

PADRE GARCIA, Batangas – Sugatan ang isang barangay chairman sa bayang ito matapos barilin ng mga nakamotorsiklong salarin Martes ng umaga.

Kalalabas lang ni Andres Linatoc, chairman ng Barangay Poblacion, sa municipal hall ng Padre Garcia nang pagbabarilin ng mga salarin habang sakay ng kanyang sasakyan bandang alas-11 ng umaga.

Tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa tukoy na direksyon.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.