Drug suspek patay, pulis sugatan sa engkuwentro sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 10:06 AM | Updated as of Feb 15 2018 08:40 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Patay ang isang lalaking nasa drug watch list ng pulisya makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Bacoor, Cavite ngayong Huwebes.

Ayon sa mga pulis, naghahain sana sila ng arrest warrant sa suspek na si Jay-jay Marcado sa bahay nito sa Barangay Talaba, subalit nang katukin ng mga awtoridad ay nagpaputok ito ng baril kaya napilitan silang gumanti.

Dead on the spot si Mercado, habang isang pulis naman ang tinamaan sa braso at isinugod sa ospital.

Walang ibang residenteng nadamay sa engkuwentro.

Aarestuhin sana si Mercado sa paghihinalaang nagmamay-ari ito ng ilegal na baril at nagtutulak ng ilegal na droga.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.