3 'tulak' ng marijuana sa Davao City, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 04:21 AM

Arestado ang 3 lalaki na nagbebenta umano ng marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Davao City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Catubig, Efren Bete, at Christian Enero.

Unang nahuli ng mga operatiba ng Talomo police si Catubig, 18-anyos, sa Maa Martes ng gabi.

Narekober mula sa kanya ang 2 pakete ng marijuana.

Nitong Miyerkoles ng madaling araw, nahuli naman ang magkaibigan na sina Bete at Enero.

Nasamsam sa kanila ang 2 pakete ng marijuana.

Pinabulaanan ng mga suspek na sangkot sila sa pagtutulak.

Ayon kay Chief Insp. Ronald Lao, hepe ng Talomo police, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek.

Batay sa nakuha nilang impormasyon, mga estudyante at construction worker umano ang kalimitang kustomer ng mga hinuli.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.