1 sugatan, 3 arestado sa barilan sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 05:51 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang lalaki habang arestado ang 3 iba pa sa magkahiwalay na insidente ng barilan sa Barangay NBBS, Navotas City.

Unang inaresto ng Police Community Precinct 4 si Crispin Santiago, isang security guard, at ang kainuman nitong si Antonio Tonido Jr.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya ukol sa insidente ng barilan sa lugar. 

Nang kapkapan ang 2, narekober mula sa kanila ang kalibre .38 na baril at mga bala.

Bigla namang dumating ang isang motorsiklo lulan ang 2 lalaki.

Nang pinapahinto ng pulisya, bigla na lang bumunot ng baril ang isa sa suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Naaresto ang drayber ng motorsiklo na si Mac Lord de Jesus habang sugatan naman ang kasama nito na si Anthony Lazaro.

Si Lazaro ay nagtamo ng tama ng bala at kasalukuyang nagpapagamot sa Tondo Medical Center.

Mahaharap ang 4 na suspek sa kasong indiscriminate firing at illegal possession of firearms and ammunition. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.