Trak na may lulang mga fishball, nasunog sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 01:09 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasunog ang isang closed-van na puno ng sako-sakong fishball sa EDSA southbound sa Mandaluyong pasado hatinggabi ng Miyerkoles.

Ayon sa driver na si Warjun Generalao, biglang sumikip umano ang preno at napansin na lang niya na umuusok na ang likurang bahagi ng closed van.

Tinabi niya ito sa gilid ng EDSA malapit sa MRT Boni station.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Ernie Tablega, pagdating nila ay malaki na ang apoy. Buti na lang umano ay may rumesponde agad na bumbero.

Hindi naman nasunog ang laman ng van na ide-deliver sana sa Bicol.

Ayon kay Tablega, posibleng electrical ang sanhi ng sunog na nagdulot ng mabigat na trapiko sa lugar.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.