1 patay sa hagupit ni 'Basyang' sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 05:45 AM

Patay ang isang lalaki matapos madaganan ng isang puno ng niyog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong "Basyang" sa probinsya ng Cebu Martes ng gabi.

Kinilala ng otoridad ang namatay na si Jenas Demecillo Allonis, 57-anyos.

Ayon kay Julius Regner, tagapagsalita ng provincial disaster risk reduction and management office, nangyari ang insidente alas-11:30 ng gabi.

Nadaganan ng isang puno ng niyog ang tinitirhan ni Allonis sa Sitio Sangi, Barangay Madridejos sa bayan ng Alegria.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay bago dumating sa pagamutan.

Batay sa 2 a.m. bulletin ng PAGASA nitong Miyerkoles, nakataas ang signal no. 1 sa Cebu. - ulat ni Angelica Fay Saniel, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.