'Mga mamamahayag, dapat labanan ang fake news'

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 09:33 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Milyun-milyong Pilipino ang nasa Facebook ngayon kung saan nagkalat ang mga pekeng balita o fake news at mga malisyosong impormasyon.

Isa umano sa mga halimbawa kung gaano na kalala ang problema sa fake news ay ang datos na isiniwalat ng computer programmer na si Carlos Nazareno sa isang forum sa Maynila. 

Sa listahan ng Wikipedia, 59 umano ang naitalang fake news sites mula sa iba’t ibang bansa, kaunti kumpara sa 94 dito sa Pilipinas.

Kaya para sa ilan, dapat nang i-ban ng Facebook ang mga fake news accounts na nagpapakalat ng mga maling balita. 

“[We must] get rid of all these trolls,” ani Nazareno. 

“We need to put a lot more pressure on Facebook, on Google, on Twitter to recognize that they have a responsibility,” ayon naman kay Peter Greste, dating correspondent ng Al Jazeera.

Sa parehong forum, ilang mga nasa industriya ng pamamahayag ang nagsabing may resposibilidad ang mga tagapagbalitang labanan ang pagkalat ng fake news sa bansa. 

“We can't just do our job of news gathering and telling stories and leave the effort of finding solutions to others...It’s in the DNA of journalists to also fight this...and look at the bottom of why this is happening,” ayon kay Ging Reyes, pinuno ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs.

Ayon kay dating Education Secretary Armin Luistro, may mahalagang tungkulin din ang publiko para mapigilan ang pagkalat ng fake news.

"When you have a president who tells his troops to shoot female combatants in the vagina, followed by the logic that you shoot the vagina and they become useless, and you have an audience that applauds or, at the very least, keeps quiet, that is the basic architecture that allows fake news to become true, applauded, and valued,” ani Luistro.

Base sa isang pag-aaral, organisado ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa Pilipinas na kinabibilangan ng mga tinatawag na “architects of networked disinformation.”

Pinangungunahan ito diumano ng mga advertising at PR strategists.

Isa sa mga panukala para sa media ay palakasin ang fact-checking.

Dapat anilang tutukan din ang pinanggagalingan ng fake news ano man ang politika ng mga taong nasa likod nito.

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.