7 arestado sa buy-bust sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 07:48 AM

MANILA - Arestado ang limang lalaki at dalawang babae sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa 14th at 15th Avenue sa Brgy. Socorro at San Roque.

Sa 14th Avenue, nahuli ang grupo ni Analyn Villanueva at Luis Sarsuela sa loob ng isang masikip na kwarto kasama sina Angelo Alvaro, Miguel Bernard at Rommel Catabian.

Nakuha sa kanila ang siyam na sachet ng shabu na tinatayang may halagang P4,500.

Ayon sa hepe ng ng QCPD Station 7 na si P/Supt. Benjie Tremor, notorious na drug personalities ang mga ito.

Itinanggi ng mga nahuli na nagbebenta sila ng droga, pero umamin silang gumagamit sila.

Sa 15th Avenue naman, kalaboso sina Ruben Sarsuela at Divina Dasalla matapos makuhanan ng anim na sachet ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation.

Kakasuhan sila ng paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.