Galit sa principal? Paaralan sa Pangasinan, binulabog ng bomb scare

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2018 04:57 PM

Kuha ni John Germono

Tumambad sa mga awtoridad nitong Sabado ng umaga ang iba't ibang sulat sa pader na tila nagbabanta sa umano'y nakaambang pagsabog ng bomba sa Juan G. Macaraeg National High School sa Binalonan, Pangasinan.

Kuha ni John Germono

Nakita ito ng mga guwardiya kaya nai-report agad sa Philippine National Police (PNP).

Napasugod maging ang mga operatiba ng explosives ordnance division ng Pangasinan Provincial Police Office at isa-isang pinasok ang mga silid sa tulong ng kanilang dalawang explosives detection dog.

Lumabas na negatibo naman sa bomba ang paaralan.

Kuha ni John Germono

Suspetsa naman ng mga awtoridad, maaaring galit ang salarin sa naging polisiya ng eskuwelahan.

Ilan kasi sa mga nakasulat ay mismong pangalan ng school principal.

Kuha ni John Germono

"Unang una po naming nakikita dito ay vandalism at threat po sa management, sa bagong administration dahil... may mga vendors inside ng eskuwelahan pinaalis... Possible po na may ibang tao na ang gusto lang mang-harass," ani Senior Insp. Rommel Sembrano.

Kuha ni John Germono

Tumanggi nang magbigay ng pahayag sa ABS-CBN News ang school principal.

Tiniyak naman ng pulisya na tututukan nila ang ginawang pananakot.

Paiigtingin din anila ang seguridad sa paaralan.

-- Ulat ni John Germono, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.