12 bahay nasunog sa Parañaque

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2018 11:48 PM

Nasunog ang 12 bahay sa Talise Street, Barangay San Dionisio, Parañaque ngayong Sabado.

Ayon kay FO1 Jenive Sadaya ng Bureau of Fire Protection, 6:07 ng gabi nang magsimula ang sunog na mabilis na kumalat dahil sa lakas ng hangin.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago mag-alas 7 ng gabi.

Katabi lamang ng Parañaque National High School ang lugar pero hindi nadamay ang paaralan, habang apektado naman ang nasa 36 pamilya.

Walang naitalang nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.