SAPUL SA CCTV: Salpukan ng 2 motorsiklo sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 05:56 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Bagong Barrio, Caloocan City Miyerkoles ng hatinggabi.

Sa kuha ng isang CCTV, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang rider.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang lalaking rider pero hindi siya napuruhan kahit hindi naka-helmet.

Ang babaeng rider naman ng isang motorsiklo ay hindi magawang makatayo. Ang kanyang angkas ay hindi naman nasaktan.

Ilang sandali pa dumating ang mga kasamahan ng lalaking rider at sinapok ito. Posibleng ito umano ang tunay na may-ari ng motor.

Kita rin sa CCTV na itinakas ng isang lalaki na nakaitim ang motorsiklo ngunit nahabol ito at ibinalik sa lugar ng aksidente. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.