SAPUL SA CCTV: Motorsiklo ninakaw sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 08:29 AM | Updated as of Jan 12 2018 08:47 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Natangay ng isang magnanakaw ang isang motorsiklong nakaparada sa Makati City Lunes ng madaling araw.

Sa kuha ng isang CCTV, makikita ang pagdating ng isang motorsiklong sakay ng dalawang lalaki.

Bumaba ang angkas na nakasumbrero na may bitbit na bag at lumakad papunta sa gate.

Pagpasok niya sa kalye, napatigil ang lalaki sa harap ng isang bahay na may nakaparadang motorsiklo.

Makaraan ang 10 minuto na pabalik-balik sa kalye, umupo ang lalaki sa bangketa sa tabi ng motorsiklo.

Nilapitan niya ang motor at tila may kinalikot. Sa huli, napaandar niya ang motor at umalis palayo sa lugar.

Alas-4 ng madaling araw na nang madiskubre ng may-ari ang nangyari.

"Nanlumo po ako dahil siyempre dalawang taon ko na pong nahulugan. 11 months na lang po yung huhulugan sana," aniya.

Sa mga may impormasyon, makipag-ugnayan lang sa Anti-Carnapping Unit ng Makati police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.