Winwyn Marquez, naiyak sa pagpapasalamat sa kapatid

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 01:59 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigil ng bagong Reina Hispanoamericana na si Teresita Ssen "Winwyn" Marquez ang maluha dahil sa kanyang mga kapatid na sina Yeoj at Vitto Marquez.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging emosyonal si Winwyn sa naging sagot ng kanyang mga kapatid sa kung anong award o parangal ang maari nilang ibibigay sa kanya.

"I would like to give her Miss Perseverance o Reina Perseverance po sana. Just for the reason kasi when she sets her eyes on the prize, she will never stop until makamit niya 'yon," ani Yeoj.

Ani naman ni Vitto: "Ako, ibibigay ko 'yung award na Best in Everything. Bakit? Kasi si Ate, masipag. She likes to prove everyone wrong even though she's already the underdog. Sobrang open-minded ni Ate na you wouldn't expect na magagawa niya 'yung mga ganoong bagay na will make a little brother proud. Siyempre tagos sa akin 'yon na, kailangan kong gayahin si ate. She's also an inspiration kung bakit ako nandito ngayon sa harap niyo mga Kapamilya," ani Vitto.

Tuluyan namang napaiyak si Winwyn nang magpasalamat ito sa kanyang kuya na si Yeoj na siyang sumama sa kanya sa Bolivia kung saan ginanap ang kompetisyon.

"Alam niyo 'yung feeling sa Bolivia na mag-isa ka lang, tapos ang papalakpak sa iyo ay dalawang tao lang. I'm really thankful to my brother and Tita Ailyn kasi kung wala sila doon, eh hindi ako magiging sane," ani Winwyn.

"I didn't understand anything and then makikita mo sa audience na tipong dalawang tao lang 'yung tao para sa 'yo, it's different. Mas gusto mong lumaban, mas gusto mong ipakita na kahit wala masyadong Pinoy doon, kahit lahat ng Pinoy nasa Pilipinas, makakakuha ka ng strength dahil sa pamilya mo. And I'm so thankful for them because I wouldn't perform well kung wala sila doon. Iba pa rin kapag pamilya mo nandiyan. Ang dami kasing bashers, ang daming hindi naniniwala. So I'm thankful for my family and everyone who helped me," dagdag ng beauty queen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.