Para sa araw na ito, Nobyembre 14, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 12:17 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Year of the Rat
May illness star ka ngayon kaya't magpahinga ka muna at maglibang na lang sa iyong tahanan.

Year of the Ox 
Kumain ng masusustansyang pagkain para bumuti ang iyong kalusugan.

Year of the Tiger
Mag-ingat sa mga bibitawang salita dahil posible kayong mag-away ni partner dahil diyan.

Year of the Rabbit
Huwag ipagyabang ang mga achievement mo, baka ikaw ay mapahiya lang.

Year of the Dragon 
Simula pa lang ay pag-usapan niyo na ni partner ang mga problema para hindi na ito lumala. 

Year of the Snake
Kausapin ang kliyente mamayang 2:00-5:00 p.m. dahil iyan ang lucky time mo.

Year of the Horse
May good news kang matatanggap galing sa kapamilya mo abroad.

Year of the Sheep
May strong love stars sa chart mo at may kupidong papana sa iyong puso. 

Year of the Monkey
Mahahanap mo na today ang dokumentong matagal mo nang hinahanap.

Year of the Rooster
Huwag kang aayaw sa mga opportunity na darating sa'yo.

Year of the Dog
Mag-save ka ng pera kahit sa kaunting halaga dahil lalaki at dadami rin ito.

Year of the Pig
Iwasang galawin ang mga gamit ng iba para hindi ka mapagbintangan sa mga gamit na nawawala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.