Rachel Peters, pinaghahandaan ang signature 'walk' sa Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 11:27 PM

Halo-halong emosyon ang nadarama ni Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters sa nalalapit na pagsabak sa Miss Universe pageant sa Las Vegas, Nevada, USA.

Kahit medyo tahimik sa social media, tiniyak ng Filipino-Brit beauty na todo ang ginagawa niyang paghahanda para sa pageant sa Nobyembre 26.

Ayon pa kay Peters, doble-kayod siya para sa surprise 'walk' na gagawin para sa Miss Universe.

Matatandaang maraming napa-wow sa noo'y "tsunami walk" ni Shamcey Supsup at "cobra walk" ni Janine Tugonon na kapwa naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe. 

Pareho rin silang pumuwesto sa final five ng pageant.

“I’m still working on it… it shows a lot of curves,” paglalarawan ni Rachel sa inihahandang signature walk. 

Bukod dito, todo workout pa rin si Peters para maging mas toned pa sa kompetisyon.

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Nag-trending pa nga ang kaniyang posts sa Instagram nang magbakasyon siya sa Amanpulo.


“I was lucky enough to bag the title and now I’m here. I was able to do it in a way where I wasn’t pressuring myself constantly so I’m gonna carry on with that because it worked for me," ani Rachel.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.