Pinoy dirty ice cream, patok sa London

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 07:11 PM | Updated as of Sep 13 2017 09:59 PM

Patok maging sa dayuhang panlasa ang Pinoy dessert na dirty ice cream sa isang shop sa Camden Town, London.

Tulad ng tradisyonal na dirty ice cream na makikita sa mga kalsada sa Pilipinas, sa malalalim na metal tins o malalaking lata rin nakaimbak ang dirty ice cream ng 'Mamasons'.

Kabilang sa mga flavor na inihahain nila ang mga patok sa panlasang Pinoy tulad ng ube, buko, at kalamansi.

May twist ang buko na ginawang 'black buko'.

May flavor ding hango sa mga sikat na inumin sa bansa gaya ng Milo at barako.

Pinakamabentang dessert naman nila ang 'bilog' o tinapay na may palamang ice cream. 

Ang fresh ice cream ay ginagawa sa pamamagitan ng Italian gelato churner.

Binuksan ng British Pinoy na si Omar Shah ang 'Mamasons' noong Hunyo 24

Dinayo ang ice cream shop lalo pa't sakto ang pagbubukas nito sa summer season sa United Kingdom.

Hinango ang pangalan ng naturang ice cream shop sa 'mom and son'.

“Mamasons is because… respect to my mother, mom and son. This is a personal project of mine and involves childhood memories of me and my mom. She told me when she was pregnant with me, she used to eat ice cream with pandesal,” kuwento ni Shah.

-- Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.