RECIPE: Chopsuey with tokwa

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2018 03:10 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung gusto mo ng mura, simple, at masustansiyang putahe, maaari mong subukang magluto ng chopsuey na may tokwa. 

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Biyernes ang guest kusinero na si Kriz Benedikto para ibahagi kung paano magluto ng putaheng ito. 

 Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap: 

• Mantika
• Bawang
• Sibuyas
• Repolyo
• Carrots
• Cauliflower
• Young corn
• Manok
• Atay ng manok
• Tokwa
• Asin
• Paminta
• Corn starch
• Tubig

Paraan ng pagluluto

Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika

Ilagay ang manok at igisa nang 2 minuto

Ilagay pagkatapos ang atay ng manok at hayaang maluto sa loob nang 3 minuto o higit pa

Ibuhos ang tubig o sabaw ng manok (pinaglagaan) hanggang sa kumulo. Takpan at hayaang kumulo nang 5 pang minuto

Lagyan ng asin at pamintang durog.

Ilagay ang cauliflower, young corn, at repolyo. Haluing mabuti ang mga sangkap

Ilagay ang carrots at tokwa. Takpan ulit at pakuluin nang 5 minuto o hanggang sa maluto ang mga gulay. 

Maaari nang ihain ang chopsuey. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.