Ilang artista, ibinida ang home-made products sa Star Bazaar

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2018 12:42 AM

Sa isang one day business event nitong Biyernes sa SM Megamall, nagsama-sama sina Janice de Belen, Candy Pangilinan, LJ Moreno at iba pang celebrities para sa “Star Bazaar.”

Sa kabila ng pagiging abala sa shoot ng Kapamilya series na “The General’s Daughter”, ibinida ng celebrity chef na si Janice De Belen ang kanyang home-made products gaya ng blueberry cupcakes, cheese cupcakes, choco chip cookies at iba pang produktong pagkain.

“For now, kaya pa ang schedule, per clusters kasi ang shoot namin. Hindi pa ganoon ka bigat, so kaya pa, may time,” kuwento pa ni Janice.

Unique designs ng leather bags naman ang ibinidang produkto ng komedyana na si Candy Pangilinan sa kanyang “Star Bazaar” stall.

“It’s all my designs, I partnered with local manufacturers, so the same time na kumikita ako, kumikita din sila. Lahat may trabaho, e di masaya,” sabi pa ni Candy.

Home-made pastries naman ang produkto ng hands-on celebrity mom na si LJ Moreno. Aniya malaking tulong sa kanyang negosyo ang kanyang staff na naka-alalay sa kanya.

“I’m very blessed na very efficient ang mga staff ko, and also we have the commissary doon sa basement ng house ko para at the same time monitored ko ang mga bata,” pahayag pa ni LJ.

Bukod kay Janice, Candy at LJ, kasama din sa Star Bazaar sina Shamcey Supsup, Neri Naig, Almira Muhlach, RR Enriquez, Diana Zubiri, TinTin Bersola, Bianca Lapus, at Marlo Mortel.