SILIPIN: Ramen restaurant ni Nash Aguas sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 12:09 PM

Maliban sa pag-awit at pag-arte, pinasok na rin ni Nash Aguas ang food business.

Nitong Biyernes, dinalaw ng "Umagang Kay Ganda" ang Muramen restaurant ni Nash sa Sampaloc, Manila.

Kasama ni Nash bilang business partners ang ilang kaibigan, kabilang na ang dati ring "Goin' Bulilit" star na si Carl Barrameda. 

"Kasi sobra kami ni Carl mahilig sa Japanese food, especially ramen. So kami ni Carl at 'yung friends namin... kami 'yung nagbuo ng Muramen," ani Nash na miyembro rin ng grupong Gimme 5.

"Actually, ngayon lang kami naging close ni Nash noong nagsama kami sa 'LUV U.' Ang daming idea na dapat hindi lang business ang gagawin namin, pati movie, dito kami nauwi sa ramen," ani Carl.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.