ALAMIN: Mga simpleng paraan para maitaboy ang malas ngayong 'ghost month'

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 01:57 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Paano nga ba maiiwasan ang malas ngayong "ghost month"? 

Sinasabing magsisimula ang "ghost month" ngayong Agosto 11 hanggang Setyembre 9. Pinaniniwalaan na ang buwang ito ay nagdadala ng kamalasan dahil sa mga gutom na kaluluwang gala.

Sinasabi ring bukas ang pintuan ng impiyerno tuwing "ghost month."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Master Hanz Cua ang mga simpleng paraan para kontrahin ang malas gamit ang mga bagay na makikita sa bahay.

1. Asin. Ilagay sa pulang lalagyan o pouch. Pagkatapos, ilagay sa bag sa buong buwan ng "ghost month" para makaiwas sa malas.

2. Luya. Talian ng kulay pula. Ilagay sa bag, bulsa o sa kotse para mataboy ang malas.

3. Bawang. Ayaw 'di umano ng mga kaluluwang gutom ang amoy ng bawang. Kumuha ng bawang, talian ng pula at ilagay sa bulsa.

4. Paggamit at pagsuot ng kulay pula tulad ng bag at panyo. Kung walang pula, maari ring gumamit ng bright neon pink at matitingkad na kulay para maitaboy ang malas. Galit ang mga gutom na kaluluwa sa matitingkad o masasayang kulay.

5. Insenso. Para maitaboy ang malas, pausukan ng insenso ang buong bahay.

6. Kampanilya o bell. Paingayin ang kampanilya tuwing alas-nuebe ng umaga bago umalis ng bahay para maitaboy ang malas.

Paalala ni Master Hanz, ang "ghost month" at hindi dapat katakutan dahil ito ay paalala sa mga nabubuhay na huwag kalimutan ang mga minamahal na pumanaw na dapat ipagdasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.