ALAMIN: Iwas-holdap tips

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 04:47 PM | Updated as of Jul 13 2017 04:53 PM

Bagaman bumaba ng mahigit 12 porsiyento ang krimen sa tala ng Philippine National Police (PNP) noong 2016 kumpara noong 2015, mariin ang pagpapaalala ng mga awtoridad na maging alerto sa lansangan.

Para makaiwas sa mga snatcher at holdaper sa kalsada, nagbahagi ng ilang tips si PC/Insp. Bryan Gregorio ng PNP-Public Information Office sa programang 'Red Alert'.

“Do not entice criminals. Keep your valuables para hindi sila ma-entice,” babala ni Gregorio.

“Kasi ‘yung mga gadgets na ganyan, nag-a-attract siya eh. ‘Yon ang nagiging basis kung ikaw ay mabibiktima.”

Payo ni Gregorio, huwag maging kampante kahit na naglalakad malapit sa inyong tinitirahan.

“Kahit nasa sarili mong lugar, mas maganda na may situational awareness ka. Be alert. When you walk, pakita mo na medyo may confidence ka,” ani Gregorio.

“So pakita mo na medyo brusko ka maglakad. Pakita mo na may confidence ka. Lesser ang chance na ikaw ay pipiliin.”

Hindi naman minumungkahi ni Gregorio na manlaban kung mabiktima ng kawatan.

“Kung hindi ka naman physically able at mas malaki 'yung criminal, armed pa, delikado ‘yon so we advise na huwag na manlaban. Baka masaksak ka pa o mabaril.”

Makatutulong na tandaan ang itsura ng mukha at iba pang identification marks ng suspek tulad ng nunal, balat, at tattoo.

Para sa karagdagang tips, sundan ang Red Alert sa Facebook page at Twitter account.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.