ALAMIN: Workout na puwedeng gawin sa loob ng kotse

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 12:12 AM

Naging halos araw-araw na problema ng mga motorista sa Metro Manila ang mabagal na daloy ng trapiko, lalo tuwing tag-ulan na kaunting buhos lang ay nagsisiksikan na ang mga kotse sa mga daan.

Para hindi maaksaya ang oras habang naipit sa trapiko, maaaring sundan ang "kotse workout."

Watch more in iWantv or TFC.tv

I-stretch ang leeg at mga braso para gumaan ang pakiramdam.

Hindi maganda para sa tiyan ang matagal na nakaupo kaya puwedeng subukan ang mistulang curl-ups na "kotse abs routine."

Gumamit ng maliliit na dumbbells na mapapa-tone ang braso.

Kahit kaunting mga galaw, kahit maliliit, kapag inuulit ay nagiging epektibo sa pagpapabuti ng pangangatawan.

Dagdag pa rito, mainam na magbaon ng healthy snacks sa kotse at uminom ng tubig para laging hydrated.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.