PASYAL: Sumabak sa hamon ng Masungi Georeserve

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2017 04:18 PM

MANILA -- Nais mo bang malaman kung gaano ka kalakas? 

Isa sa mga nakakatuwang paraan ay ang bisitahin at tuklasin ang ganda ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal, tulad na lamang ng ginawa ng mang-aawit na si Bryan Termulo.

Sa "Pasyal 'Pag May Time" segment ng "Salamat Dok," tinanggap ni Bryan ang hamon na akyatin ang Masungi sa loob ng mahigit tatlong oras.

Kasama ang isang park ranger at mga kaibigan, naging matagumpay si Bryan sa pag-akyat at paghanga sa natural na ganda ng paligid.

Ayon pa kay Bryan, ang trekking o pag-akyat sa matataas na lugar ay mainam na ehersisyo para sa mga bisig at binti.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.