RECIPE: Saucy beef morcon

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 02:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi pang-araw-araw ang putaheng beef morcon at madalas lamang ito inihahanda kapag espesyal ang okasyon.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng guest kusinera na si Chef Amy Loresca ang kaniyang mas malinamnam na bersiyon ng naturang dish, ang saucy beef morcon.

Upang simulan ang paggawa sa saucy beef morcon, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo beef eye of round o top sirloin
• 1/2 tasang toyo
• 3 pirasong kalamansi
• 1 kutsaritang paminta
• 4 pirasong sibuyas
• 4 pirasong kamatis
• 1 pirasong bawang
• 2 pirasong carrots
• 2 pirasong bell pepper
• 2 stalk celery
• 2 pirasong pickled dill
• 2 pirasong hotdog
• 1/4 kilo atay ng baboy
• 1/4 kilo taba ng baboy
• 2 pirasong chorizo de bilbao
• 2 piraso ng nilagang itlog
• 1/2 tasa ng mantikilya
• 1 tasa ng tomato juice
• 1 tasa ng harina
• 3 ounces cheddar cheese

Ibabad ang karne ng baka sa toyo, calamansi, at paminta ng 1 oras

Ipatong ang karne sa flat surface at ilagay ang lahat ng fillings gaya ng mantikilya, taba at atay ng baboy, itlog, carrots, keso, chorizo de bilbao, hotdog, celery sticks, pickles, at bell pepper.

Budburan ng harina ang fillings sa karne.

I-roll ang karne ng baka na may fillings, itali, at iprito.

Pakuluan sa beef broth ang nirolyong karne.

Ilagay ang natirang pinagbabaran ng beef at idagdag ang tomato sauce. Pakuluin hanggang sa lumambot ang karne.

Tanggalin ang tali, hiwain ang rolled beef, at ilagay ang sauce.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.