Kalabasa halu-halo sa Puerto Princesa, patok ngayong tag-init

Chinee Palatino, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 08:33 PM

Kalabasa halu-halo. Chinee Palatino, ABS-CBN News

PUERTO PRINCESA CITY - Patok ngayon sa mga taga-Puerto Princesa City ang halu-halong sinahugan ng kalabasa.

Homemade lahat ng sangkap tulad ng minatamis na kalabasa, saging na saba, gulaman at buko.

Maging ang yelo na ihahalo rito ay mayroon ring kalabasa.

Kabilang rin sa toppings ng kalabasa halu-halo ang ube at kalamaja, o kalabasang inihalo sa maja blanca.

Sa isang resto bar sa Barangay San Jose matitikman ang kakaibang kalabasa halu-halo.

Ayon kay Christina Colisao ng DJ Balcony, siniguro nilang walang preservatives ang sangkap ng kanilang halu-halo.

"Isa 'yun sa mga kinonsider namin, na kahit na kumakain tayo ng something sweet, we make sure na wala itong preservatives," aniya.

Nais rin umano nilang gumamit ng mga lokal na produkto kaya naisip nila ang konsepto ng kalabasa halu-halo.

Bukod sa masarap na panghimagas, masustansiya rin ito dahil sa taglay na Vitamin A and B ng kalabasa. Mayaman rin ito sa amino acids, protein, zinc at iba pa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.