SILIPIN: Mga eksena sa huling parada ng Bb. Pilipinas 2018 beauties

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 08:53 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dinagsa ang tinaguriang "sexy" parade ng mga Binibining Pilipinas 2018 candidate sa Cubao, Quezon City noong Linggo.

Tampok ang mga kandidata na lulan ng mga sports car habang suot ang kanilang "glamazon-themed" swimsuit at headpiece.

Ilan sa crowd favorites ang dating beauty titlists na sina Vicki Rushton, Muriel Orais, at Catriona Gray.

Hindi naman nagpahuli si Karen Gallman na look-alike daw ng Hollywood stars na sina Mila Kunis at Kylie Jenner. 

"I'm very touched kasi they're very beautiful girls," ani Gallman.

Nag-viral din si Rosantonette Mendoza nang aminin niyang nagbawas siya ng 200 pounds sa timbang para sa kalusugan.

Binalewala naman ng favorite ding si Michelle Gumabao ang intriga sa paglutang ng kaniyang sexy photo bilang atleta noon.

“That was the campaign I did before, of course enhancing the photo always looks different, it's ok, I don't mind. I am honored to be here,” sinabi ni Gumabao.

Farewell na din ito ng mga outgoing Binibini queens, tulad nina Rachel Ann Peters at Mariel de Leon, na na-bash dahil sa isyu ng pagkilatis niya ng ilang kandidata. 

Una niyang ni-reveal ang mga manok niyang manalo, gaya ng probinsyanang si Anjame Magbitang at modelong si Sandra Lemonon. 

 “You have your favorites, that doesn't mean that all the girls are less, they're all equal, it's just that you like somebody,” ani De Leon.
 
Isang broadcaster, teleserye princess, at sikat na negosyante ang ilan lang sa mga hurado sa Binibining Pilipinas 2018 coronation night sa Marso 18.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.