RECIPE: Hainanese chicken rice

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 05:02 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ang manok sa mga paborito ng Pinoy. Ngunit kung sawa na sa pare-parehong luto nito, maaaring subukan ang isang kakaibang putahe.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng mga guest kusinero na sina Chef Louie Junsay at Chef Roberto Usai kung papaano gawin ang Hainanese chicken rice.

Ayon sa mga guest kusinero, nanggaling sa Tsina ang naturang dish.

Upang simulan ang paggawa sa Hainanese chicken rice, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• Isang buong manok
• 4 litrong tubig
• Asin
• Luya
• Sibuyas
• Bawang
• Mantika
• Bigas
• Sariwang dahon ng pandan


Pakuluan ang tubig at ilagay ang pandan, bawang, sibuyas, luya, asin, at mantika.

Bahagyang hinaan ang apoy at hayaan itong mag-simmer.

Siguraduhing nakalubog ang manok.

Pagkatapos ng 20-30 minuto, patayin ang apoy at hayaang nakababad ang manok sa loob ng 15 minuto.

Hanguin ang manok ngunit itabi ang chicken stock o 'yung pinagpakuluan.

Ilagay ang manok sa tubig na may yelo. Maghintay ng 10-15 minuto. Ginagawa ito upang maging makintab ang balat ng manok at para hindi ma-overcook ang laman.

I-debone ang manok at hiwain.

Sa pagsasaing ng bigas, gamitin ang chicken stock na itinabi. Maaari rin itong isaing sa rice cooker. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.