Mall sa Baguio, may pakulo para sa mga single ngayong Araw ng mga Puso

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 04:56 PM

Sa isang mall sa Baguio City, tanging mga single lang ang pwede sa photo booth na ito. Samuel Nerona (DNGS)

BAGUIO CITY - Hindi na maa-out of place ang mga single ngayong Araw ng mga Puso dahil sa isang mall sa Baguio City, may photo booth na para lamang sa kanila. 

Ayon sa marketing manager ng Porta Vaga Mall na si Conrad Reyes, ginawa nila ang photo booth na ito para mag-enjoy din ang mga single sa Araw ng mga Puso . 

"Ang Valentine's Day, hindi lamang para sa mga couples, pwede rin natin siyang i-celebrate sa mga pamilya, mga kaibigan at sa lahat," ani Reyes. 

Tuwang-tuwa naman ang isang taon nang single na si Micah Rivera. Aniya, ito daw ang "most comfortable place para sa mga single ngayong Valentine's Day."

Bukod sa photo booth para sa mga single, may ginawa rin ang visual designer ng mall para sa mga magsing-irog, pamilya at barkada. 

May booth din na tinatwag na "Prisoner of Love" para daw sa mga labis-labis kung umibig.

Libre ang photobooth para sa lahat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.