Ano ang kahalagahan ng 'ayuno' tuwing Kuwaresma?

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 07:30 PM | Updated as of Feb 14 2018 09:01 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasabay ng pagdiriwang ng Valentine's Day ay ang pagsalubong naman sa Ash Wednesday na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa kaniyang pagbisita sa programang "Umagang Kay Ganda," tinalakay ni Fr. Luciano Ariel Felloni, parish priest ng Our Lady Of Lourdes, Caloocan ang "coincidence" sa pagtatapat ng araw ng Valentine's at Ash Wednesday. 

"Moveable kasi 'yung Ash Wednesday eh. So nagkataon lang na same day. But I think meaningful pa din kasi parang araw ng pagmamahal at 'yung Kuwaresma ay araw ng paghahanda sa pinakasimbolo ng pagmamahal: ang pagbigay ni Hesus ng kaniyang buhay sa krus," ani Felloni.

Maraming bagay sa Kuwaresma ang madaling iugnay sa Valentine's, dagdag ni Felloni.

Pinaliwanag din ni Felloni ang kahulugan ng kaugaliang pagsasakripisyo o "pag-aayuno" tuwing sasapit ang Kuwaresma. 

"You sacrifice para may maitutulong ka sa taong nangangailangan lalo na sa mga gutom. So you deprive yourself para 'yung iniipon mo ay maitutulong mo sa isang may sakit, sa isang malnourished," aniya. 

Isang pagkakataon din ang ayuno upang "malinis" ang katawan mula sa labis na bisyo at kalabisan sa buhay. 

"At yung pag-aayuno 'yun ang time na you sacrifice para matanggal sa sarili mo 'yung mga bagay na nakakasira rin sa'yo. So 'yung mga vices, yung excesses ng buhay mo na nakakasira sa iyo [nawawala]." 

Ilan lamang sa dalawang uri ng pagsasakripisyo ay ang fasting at abstinence. 

"It's a day of obligation para sa mga Katoliko. Tinatanggap nila ang abo and then sa araw na ito may abstinence and fasting," panimula ni Felloni.

"So dalawang bagay. 'Yung abstinence 'yung hindi kumakain ng karne and then 'yung fasting is kumakain ka ng isang full meal and then two small meals," paliwanag ng pari. 

Hindi naman kasali sa naturang tradisyon ang mga may sakit at senior citizen. 

May paliwanag din si Felloni sa kahulugan ng abong ikinukrus sa noo ng mga Katoliko tuwing Ash Wednesday. 

"Yung abo is simbolo sa Bibliya ng pagpepenitensya. So simbolo na inaamin mo ang iyong pagiging makasalanan at gusto mong magbago." 

Imbitasyon din umano ito na "buhayin" muli ang naghihingalong aspeto ng buhay. 

"Very meaningful na ginagawa 'yung abo sa lumang palaspas so that symbolizes na kahit tuyo, kahit tilang patay, nagbibigay ng bagong buhay," saad ni Felloni.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.