Zanjoe, papunta na sa Emmys kung saan siya nominado

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 07:10 PM

Humingi ng dasal at good luck si Zanjoe Marudo sa kaniyang pag-alis papuntang International Emmy awards sa New York, US.

Nominadong 'best actor' si Zanjoe sa prestihiyosong awards show para sa kaniyang pagganap sa 'Anino' episode ng 'Maalaala Mo Kaya'.

Siya ang unang Pinoy actor na naging nominado sa kategorya, kahanay pa ang matitinik na beteranong aktors tulad ng idolo niyang si Kenneth Branagh.

Bago ang November 20 awards sa Hilton New York, Dadalo muna si Zanjoe sa Emmys panel discussion kung saan ibabahagi niya ang bigat ng pagganap sa role ni 'Victor', ang amang nagkaroon ng mental illness.

Karangalan din ni ni Zanjoe na itayo ang bandila ng Pinoy sa Emmys.

Hangad din ng aktor na marami pang Pinoy ang makapasok sa prestihiyosong awards show.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.