'Little Geography Expert' Klyde, sumabak sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2017 12:27 PM | Updated as of Nov 10 2017 01:10 PM

Muling nagpakita ng kanyang galing ang tinaguriang "Little Geography Expert" na si Klyde Torregoza, 4, sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay."

Nitong Biyernes, game na sumabak sa challenge na "Saan Galing" si Klyde kung saan kailangan niyang pangalanan ang 15 probinsiya ng Pilipinas na walang kulay sa mapa.

Magandang Buhay, Nobyembre 10, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.