PANOORIN: Ronaldo Valdez, naluha sa mensahe ng anak

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 02:15 PM

MANILA - Hindi napigilan ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez ang maluha dahil sa kanyang anak na si Melissa Gibbs.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naging emosyonal si Ronaldo nang marinig ang mensahe mula sa kanyang anak na babae.

Ani Melissa: "Thank you sa lahat ng support. Eto kasi ang kakampi ko, kami ang magkaugali so kakampi ko siya sa buhay. Kapag may problema ako, takbuhan ko ito, siya 'yung sumbungan ko kapag mayroong umaaway sa akin."

"Ngayon lang ako makakapag-thank you talaga kasi sobrang mahal ako nito eh. Saka talagang he makes sure na okay ang mga anak ko, 'yun ng priority niya talaga. So thank you, love na love kita," dagdag niya.

Nang mahingan ng mensahe para sa anak ay tuluyan nang nagpunas ng luha si Ronaldo.

Para sa aktor, ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang mga anak.

Maliban kay Melissa, anak din ni Ronaldo ang mang-aawit na si Janno Gibbs.

Bumisita si Ronaldo sa "Magandang Buhay" para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang Star Cinema movie na "Seven Sundays" kung saan kasama niya sina Enrique Gil, Cristine Reyes, Dingdong Dantes, at Aga Muhlach.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.