IN PHOTOS: Miss International PH Mariel de Leon bilang Star Patroller

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 08:18 PM | Updated as of Oct 14 2017 09:23 AM

Bago man siya sumabak sa nalalapit na Miss International beauty pageant sa Japan sa susunod na buwan, sinubukan muna ni Mariel De Leon ang pagiging Star Patroller ng "TV Patrol." 

Ngayong Biyernes ay tumayo siya para kay Gretchen Fullido at naghatid ng balita tungkol sa record-breaking ratings ng "Wildflower" at iba pang showbiz updates.

Binibining Pilipinas International Mariel de Leon guests as a Star Patroller on TV Patrol. Fernando G. Sepe Jr. ABS-CBN News

Marami ang umaasa na makakamit ni De Leon, anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong, ang kauna-unahang back-to-back titles ng Pilipinas sa Miss International 2017. 

Maging ang reigning titleholder na si ay Kylie Verzosa ay bilib sa nakita niya mula sa kanyang kababayan. 

"She can win as long as she does her best... I mean, I don’t see any reason why there won't be a back-to-back this year," ayon kay Kylie. 

Si De Leon ang pinakabagong celebrity Star Patroller, pagkatapos nina Erich Gonzales, Yassi Pressman, Toni Gonzaga, Bela Padilla, at Yam Concepcion. 

Parte pa rin ito ng ika-30 anibersaryo ng "TV Patrol."