Enrique Gil, inaming mas napalapit sa ina dahil sa 'Seven Sundays'

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 01:19 PM

MANILA - Inamin ng aktor na si Enrique Gil na mas naging malapit siya sa kanyang ina matapos niyang gawin ang pelikulang "Seven Sundays" kasama sina Cristine Reyes, Dingdong Dantes, Ronaldo Valdez, at Aga Muhlach.

"Sa akin, I noticed mas naging sweet ako sa mom ko," pag-amin ni Enrique sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

"Actually, it's kind of sad na na-realize ko 'yun sa movie. Kasi habang tumatanda ka, hindi ka na masyadong ma-kiss [at nagsasabi ng] good night [sa magulang mo]. So parang [dapat] extra effort," dagdag ng aktor.

Para kay Enrique, hindi dapat magbago ang pagiging malapit ng anak sa mga magulang kahit pa tumanda na sila.

"Iba kasi when you were younger and you get older. Dapat hindi nagbabago," aniya.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, palabas na sa mga sinehan ang "Seven Sundays."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.