Dingdong, payag nga bang pasukin ng anak ang showbiz?

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 12:07 PM

MANILA - Payag nga ba si Dingdong Dantes na pasukin ng kanyang anak ang mundo ng showbiz?

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, sinabi ni Dingdong na susuportahan nila ng asawang si Marian Rivera ang desisyon ng kanilang anak na si baby Zia pagdating ng tamang panahon.

Pero sa ngayon ay prayoridad nilang mag-asawa na bigyan ng magandang buhay at edukasyon ang anak.

"Magiging desisyon niya 'yon later on. Pero sa ngayon ay ibibigay namin ang lahat ng opportunities para sa kanyang growth, especially education. Because ultimately, later on, ay kailangang maging desisyon niya kung ano man ang gusto niyang pasukin," ani Dingdong.

"And kung anuman 'yon, we will support her 100%. Kaya ngayon, the molding and guiding stage, 'yun ang pinakamahalaga," dagdag niya.

Ayon sa aktor, ang pagiging asawa kay Marian at ama kay baby Zia ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

"The best. Life-changing talaga. Conceptually, nalalaman mo lang 'yan through other people kapag sinasabi nila na it will really change your life. But mapapatunayan mo talaga kung mangyari siya sa iyo, and it really has changed my life. It's the best decision that I've made," aniya.

Ikinasal si Dingdong kay Marian noong Disyembre 2014. Isinilang si baby Zia matapos ang halos isang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.