TINGNAN: Zanjoe at Empoy, magsasama sa isang pelikula

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 12:52 PM | Updated as of Oct 17 2017 12:12 AM

MANILA -- Nagsimula nang mag-trabaho para sa bagong pelikula sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.

Nitong Miyerkoles, sumabak sa story conference at photo shoot ang dalawa para sa gagawin nilang pelikula sa Star Cinema na pinamagatang "Kusina Kings."

Sa naunang panayam kay Empoy, ibinahagi nito ang kasiyahang makasama sa isang proyekto ang kanyang kaibigan na si Zanjoe.

Nito lamang nakaraang buwan ay pumirma muli ng kontrata ang komedyanteng si Empoy sa Star Cinema.

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

 

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.