PANOORIN: 'KaladKaren', humalili kay Karen Davila sa 'My Puhunan' segment

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 09:13 PM

Bumida si Jervi Li o mas kilala bilang "Kaladkaren" sa isang segment ng programang "My Puhunan" ni Karen Davila.

Tampok sa segment ni Li ang sikat na Giant Butterfly Squid ng isang kainan sa Pasig.

Kakaiba ang tampok na pagkain dahil, bukod sa dambuhalang laki nito mula sa karaniwang pusit, abot-kaya at sulit ang presyo sa mga nais makatikim.

Nakapanayam din ni Li ang may-ari ng negosyong si Polsan Pangindian.

Hawig ang segment ng programa sa isang dating viral Facebook video ni Li.

Sa video, gumawa ng nakatatawang panggagaya si Li ng"My Puhunan." Pinamagatang "My Upuan", tampok sa video ang mga Filipino street food gaya ng fish ball.

Umani ang "My Upuan" video ng mahigit 55,000 reactions at 20,000 shares.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.