Zsa Zsa, boto nga ba sa anak ni Martin para sa bunso nila ni Dolphy?

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 01:40 PM | Updated as of Oct 10 2017 03:35 PM

MANILA -- Boto si Zsa Zsa Padilla kay Robin Nievera na nobyo ngayon ng bunsong anak nila ni Dolphy na si Zia Quizon.

"Oo naman. He is well bred. At saka siyempre anak siya ng mga kaibigan," ani Zsa Zsa sa "Magandang Buhay" nitong Martes nang tanungin tungkol sa panganay nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Nang hingin naman ang kanyang reaksyon sa sinabi ni Martin na "future magbalae" sila ay isang ngiti ang isinagot ni Zsa Zsa.

Samantala, masaya din si Zia na nagiging malapit na siya ngayon sa ama ng kanyang nobyo.

"As a singer, as a musician, may bonding na kami. Pero now yung pagka-family bonding, parang ganoon mayroon na din," ani Zia.

"Actually sa Instagram 'yung mga comment very supportive siya at least nakakagaan ng loob na okay, na legal naman 'yung union namin, hindi pa naman union, pero hopefully," dagdag ni Zia.

Ayon kay Zia, nagsimula ang relasyon nila ni Robin bilang magkaibigan pero mas lalo silang napalapit dahil sa musika.
 
"Friends kami. Noong nag-umpisa kaming kumanta, so naging closer and closer lang kami," ani Zia.

"Dati (tinutukso kami) kami. Wala, parang weird kasi parang bro, bro. Parang may crush na din ako sa kanya noon kaya lang may boyfriend ako at may girlfriend din siya. Parang wala 'yung timing. So noong [tama na 'yung timing] eh 'yun na," dagdag ng bunso ni Zsa Zsa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.