John Lloyd at Ellen, magkasama sa Portugal?

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 07:04 PM

Kasunod ng anunsiyong liliban muna sa showbiz si John Lloyd Cruz, nag-share ang aktor ng mga retrato sa kaniyang Instagram account na nagpapahiwatig na nasa ibang bansa siya.

Mukhang kasama rin ni John Lloyd ang nali-link sa kaniyang aktres na si Ellen Adarna.

Lumabas kasi sa Instagram stories ni Ellen ang kuha kay John Lloyd habang sila'y kumakain.

Kuha mula sa Instagram story ni Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Bukod dito, nag-post si Ellen sa Instagram ng pictures niyang may caption na "Dont pap me" at naka-tag ang Instagram account ni John Lloyd.

Nangangahulugang "post a picture" ang "pap" sa caption ni Ellen.

Halos magkapareho rin ang mga retratong pino-post ng dalawa sa kanilang mga personal na Instagram account.

May ilang nagsasabing sa Morocco ang mga kuha ng dalawa.

 

A post shared by portal (@ekomsi) on

Sa isang post, nabanggit ni John Lloyd ang "Lisbon" na kabisera ng Portugal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.