Xian Lim, itinanggi na banned siya sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 02:23 PM | Updated as of Aug 19 2018 10:30 PM

MANILA -- All is well pa rin para kay Xian Lim at Kim Chiu.

Kuwento ni Xian sa naging panayam sa kanya ng entertainment press nitong Biyernes, wala pa rin nagbabago sa kanila ng Kapamilya star kahit na hindi sila magkasama nito sa mga proyekto.

“Sa amin kasi, sa aming dalawa, open kami. We really do see each other,” sabi pa ni Lim.

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

“Ngayon lang, ang dami din kasi niya ginagawa and may mga ginagawa din ako pero hindi nagtatagpo ang schedules,” paliwanag ng aktor.

Bukod sa update sa kanila ni Chiu, binigyang linaw din ng aktor na banned umano siya sa Kapamilya network.

Ito ay matapos mabigyang kulay ang pagliban niya sa ilang promo activities ng “Miss Granny” kasama sina James Reid at Sarah Geronimo sa ilang Kapamilya shows.

“Wala naman po siguro kasi I have couple of promotions. Nag-promote naman ako sa 'ASAP.' Just last night (Agosto 16) we were at 'Tonight With Boy Abunda,'” paliwanag niya.

Hindi din daw alam ng aktor kung paano nagsimula ang isyu na ito sa kanya at sa network.

“People are just tagging me, pero I wouldn’t know the real issue or basis,” pahayag pa ni Lim.

Isa na ngayon si Lim sa mga contract stars ng Viva Artist Agency matapos ang ilang taon niya sa Star Magic, ang management arm ng ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.