TNT Boys, kampeon sa 'Your Face Kids'

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 11:05 PM

MAYNILA — Itinanghal na grand champion ng “Your Face Sounds Familiar” Kids Season 2 sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez o mas kilala bilang TNT Boys.

Nakuha ng TNT boys ang pinakamataas na boto ng hurado at text votes na umabot sa 100 percent para sa kanilang naging live perfomance bilang sina Jessy J, Arianna Grande at Nikki Minaj sa naganap na Live Showdown nitong Linggo sa UP Theater.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa YFSF Kids Champion, ang magpahinga ngayong gabi ang kanilang unang gagawin matapos ang naging paghahanda para sa laban.

Bukod sa trophy at medal, iiuwi ng TNT Boys ang Special Gadget Showcase, 1 Million pesos cash price at ang 1 house and lot.