Team Blue ni Gerald Anderson, wagi sa Star Magic All Star Game

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 07:54 PM

Team Blue defeats Team Red in the Star Magic All Star Game

Wagi ang Team Blue ni Gerald Anderson laban sa Team Red ni Daniel Padilla sa score na 113-75 sa Star Magic All Star Basketball Game sa Araneta Coliseum.

First quarter palang lumamang agad ng sampung puntos ang Team Blue 24-14.

Lalong lumaki pa ang lamang ng Team Blue sa second quarter na nagtapos sa score na 45-29, at sa third quarter na natapos sa 87-58.

Sinubukang humabol ng Team Red sa fourth quarter, pero sadyang malakas ang Team Blue.

Itinanghal na Rookie of the year si Richard Gutierrez ng Team Red.

Mythical 5 naman sina Rayver Cruz, Daniel Padilla, Gerald Anderson, Jv Kapunan at Axel Torres.

Most Valuable Player of year naman si Gerald Anderson.