Janice de Belen, napa-'wow' sa cast ng 'General's Daughter'

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 02:18 PM

MANILA — Nagbigay update ang aktres na si Janice de Belen para sa upcoming Kapamilya telerserye na “The General’s Daughter.”

Kuwento ni Janice sa naganap na Star Bazaar nitong Biyernes, kakaibang karakter ang kanyang gagampanan sa bagong Kapamilya series.

 

A post shared by Janice de Belen (@super_janice) on

“Nakapag-start na kami ng shooting, naka-ilang araw na din ako. Exciting siya and medyo kakaiba din ako dito dahil hindi siya mabait,” sabi pa ng aktres sa ABS-CBN News.

Bukod kay de Belen, ilang naglalakihan na mga bituin ang inaasahan na kasama sa proyekto na aniya kahit siya ay nabigla noong malaman kung sino ang mga bibida sa inaabangan na teleserye.

“Kahit naman ako noong nag-story conference kami at nakita ko na lahat ng kasali sa cast, sabi ko, 'Uy wow ang laki, ang laking project.' Alam mo na it’s really something to watch,” ani de Belen.

Patikim pa ng aktres, aasahan ang aksyon at intense drama sa mga eksena.

“Ayun naman ang trend sa ngayon pero maganda siya,” pahayag pa niya.

Kabilang sina Angel Locsin, Albert Martinez, Jc de Vera, Ryza Cenon, at Maricel Soriano sa mga makakasama sa inaabangan na Kapamilya series.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.